Mogo Dini sa Lake Sebu II | ocular visit to Sitio T'nu-os

Wednesday, March 24, 2010

March 20, 2010
Sitio T'nu-os
Brgy. Takunel, Lake Sebu
South Cotabato
Philippines

This visit to Sitio T'nu-os is for a future project of BPP (Black Pencil Project) and MCom (Maniniyot Commnunity). Teka... ang hirap mag ingles... :p

Ang BPP po ay isang organisasyon na kung saan ay tumutulong sila sa mga batang taga bundok sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gamit na pang eskwela gaya ng lapis, pad paper, crayons, notebook at iba pa, na karaniwang di na pinapansin ng mga makabagong mag aaral ngayon. Makakakuha po kayo ng impormasyon tungkol sa BPP sa kanilang websayt, sa http://blackpencilproject.org.

Ang MCom po naman ay isang grupo ng mga photographer na nag umpisa sa Davao , ito ay mga batang walang magawa kundi pumindot at pumindot ng kamera nila araw araw, pero gusto rin makatulong sa mga nangangailangan at hangad ang kunting pagbabago sa mundo ngayon, kahit kunti lang. Meron po silang websayt na naumpisahan nung nakaraan taon, at hanggang ngayon ganun parin ang itsura, http://www.maniniyot.com. Ang salitang "maniniyot" ay ang tawag sa taong mahilig kumuha ng litrato sa kabisayaan at mindanao.

Kasama ko rin dito sa proyekto na to ang mga nagwagwapohan kong kaibigan, wag ko raw banbangggitin ang mga pangalan nila, kaya maraming salamat GERRY ANOVA, IAN ANOVA, LOURDES JOY, TATA at JETJET, salamat sa pagsama. apir! :) add niyo sila sa facebook :p uso ngayon yun....












Ang Sitio T'nu-os po ay ang pinaka malayong sitio ng lake sebu, ito po ay 5 kilometro ang layo sa bayan, meron itong mahigit sa 300 na populasyon o 180 na pamilya, ang pangunahing kabuhayan nila dito ay RATTAN FURNITURE, at MATT WEAVING. Galing po ng bayan hanggan sa Sitio Nef ay pwede sumakay ng motor o mas kilala sa tawag na habal-habal, kaya rin ng habal-habal ang daan papunta sa T'nu-os, kung may kilala kang eksperto sa pag momotorsiklo, kaya ni Jolet Jao, at Nonoy Zambra, kilala niyo? e google, nandun na daw lahat ng kasagutan sabi nila. Pwedeng umikot sa kabilang bayan gamit ang habal-habal, pero ito ay aabotin ng isang oras, kaya napagpasyahan na naming akyatin ito na aabotin ng 30 minuto.

Kung napansin niyo sa mga naunang litrato, ako lagi ang nasa harap, pero sa pag akyat, ako na ang pinakahuli.




Hindi naman siya ganuon ka taas gaya ng Mt. Apo over (melai mode), oo nanood ako nun dati over, pero ang daan papunta sa sitio t'nu-os ay paakyat, walang katapusang paakyat, naka limang pahinga yata ako sa 30 minutong akyat, at umabot sa 120bpm ang tibok ng puso ko over. Kailangan ko na talagang magpapayat. Pagkalipas ng 30 minuto naabot din namin ang Sitio T'nu-os.





Pagkatapos ng ilang minuto na pahinga sa gumagawa ng rattan furnitures, dumiretso na kami sa eskwelahan nila, ang tawag nila dito ay SIKAT o School of Indigenous Knowledge, Arts and Tradition. Ito po ay pinamumunoan ni Ginang Anita Castillon o mas kilala sa tawag na "Maam Anette", meron sila 4 na volunteer teachers, dalawang classroom, at mahigit kumulang sa 70 na mag-aaral. Tamang tama po ang dating namin dahil nag i-ensayo sila ng kanilang graduation. Kumukanta ng may bukas pa.....




Kami po ay nagpakilala sa kanilang guro at agad naman kaming ipinakilala sa kanilang punong guro na si Maam Anette at nagkwentohan ng ilang minuto.







Si Maam Anette po ay matagal ng guro, matuturing isang pribadong eskwelahan ang SIKAT dahil mag isa niya lang itong tinataguyod, lahat po ng gamit nila at pera na ipinagtayo sa dalawa nilang classroom ay galing laman sa mga donasyon ng mga nagmamagandang loob, tanging kamote lamang ang kinakain nila dito, at isa din yun sa mga rason kung bakit sa kalagitnaan ng school year (ano tagalog ng school year?) ay nag da-drop (at drop?) ang mga estudyante dahil wala ng makaing kamote, ano pa kaya sa gamit nila sa pag aaral?

Ang lake sebu po ay sikat sa kanilang tilapia, pero sa taga sitio t'nu-os, nakakakain lang sila ng tilapia kung nangyayari ang phenomenom na dumadami ang algea o short sa oxygen ang lake at kusang lumulutang ang mga tilapia. Hindi ko alam kung ilang beses yun sa isang taon, pero hindi po yun nakakatuwa.

eto po ang itsura ng classroom nila:





Medyo malungkot ang mga kwento ni Maam Anette, kaya lumabas muna ako at kumuha ng mga litrato ng mga bata.











Isa sa paborito kung kuha ay pinamagatan kung "Yesterday's Dream", dahil sa pahanong yun ay kumakanta ang mga bata ng Yesterday's Dream ni hmmmm? donna cruz ba kumanta nun?? basta..


" For together we stand, divided we fall
Together we climb to the top of the world...."


Naalala ko tuloy nung kinder ako, kung paano ko kinanta yan ng pasigaw na wala sa tuno, at dun ko nalaman na wala akong talento sa pagkanta. Eto na si Yesterday's Dream sana magustohan niyo:





Nabigyan din kami ng pagkakataon na magpakilala sa mga bata, tinanong namin sila kung sino ang gustong mag aral, nag sitaasan sila ng kamay at sumigaw ang isang bata ng "KAMI!", sa hindi maipaliwanag ng paliwanag, ngumiti ako ng abot tenga, bata pa lang ay hindi niya iniisip ang kanyang sarili kundi ang kapakanan ng lahat, narinig niyo yun? ayos diba? :p, sabay nagtanong ulit ang kaibigan ko na, "Sino ang walang lapis?", at ganun parin ang sigaw ng isang bata "KAMI!!", at yun ang pamagat ng isa ko pang paboritong litrato.





at ito pa ang ibang litrato ng mga bata: (at matanda)














Ayaw namin maabotan ng dilim sa pag uwi, kaya nagpasya na kaming magpaalam sa mga bata at kay maam anette, para kaming mga VIP's na enescortan (may ganun ba na salita?) pa ng mga bata pababa. Kung ano ka hirap ang paakyat, ganun naman ka sarap ang pababa, may bonus pa na view ng lake sebu.



nasaan ang view? nasa right side....hehe :P





oh nasan na ang lake sebu view na sinasabi mo?... ay di ko pala nasali sa frame...hehe next time na lang.. or sama na lang kayo next time :p basta ang ganda framis! :)





Umuulan nun ng malakas pagkatapos naming makababa, tumambay muna sa bahay ng kaibigan namin, pabalik-balik sa utak ko ang kwento ni maam anette, at tangi ko lang sagot sa mga kwento niya, ay balang araw may darating na tulong....

ikaw handa ka bang tumulong? :)

Maraming salamat po sa pag-aksaya ko ng oras niyo sa blog na to :)

Magandang araw, tanghali, gabi sa inyong tanan!...hehe

apir!


1 comments:

  1. Wow, I salute ur advocacy.
    Idol!
    Pwede magpamember?
    How can extend our help?

    ReplyDelete